Thursday, April 3, 2014

Dear Girls,


Pwede bang mag pahinga muna kaming mga lalaki? Pwede bang kayo naman ang manligaw? Pwede bang kami naman ang mag pakipot? Pwede bang kami ang bigyan ng effort? Pwede bang kami naman ang mag pahintay? Pwede bang kami naman ang bigyan ng mga flowers? Pwede bang kami naman ang magkaroon ng 'dalaw' kada buwan? Pwede bang maging kami muna kayo? Pwede ba 'yon girls? Pwede ba?


Lalaki kami. Kailangan matapang, kailangan hindi puro salita, kailangan stick to one, kailangan maging matatag, kailangan kami ang gumawa ng efforts. Pero girls tao lang kaming mga boys... Napapagod rin kami.. Nakaka-pagod ng mag hintay sa inyo, nakaka-pagod ng gumawa ng mga efforts.

Girls, siguro iniisip nyo na mga manloloko kami? Mga gago? Mga walanghiya? Mga walang kwenta? Ha-ha-ha. Hindi lahat girls, hindi lahat...

Tao rin kasi kami, kahit na sabihin nyong gago, walanghiya, tarantado, walang isang salita, manloloko, walang bayag at walang kwenta. Nasasaktan kami, tulad nyong mga babae. Kahit lalaki kami, marunong kaming masaktan, marunong kaming mapahiya... Kung iniisip nyo parang wala lang sa'min ang mga nangyayari? Kung iniisip nyong puro papogi lang kami? Puro dota at basketball? Hindi. Mali kayo, kasi tulad nyo nag eemote rin kami, nag papatugtog din kami ng mga pang-broken hearted na kanta, nag-iisip kami kung paano mag move-on, kung paano gumawa ng tinatawag nilang 'unique efforts'.

Alam nyo girls, nakaka-pagod ng maging lalaki eh. Kasi kayong mga babae nailalabas nyo ang sakit na nararamdaman nyo pwede kayong umiyak sa classroom, sa daan, sa tindahan, sa fastfoods o kahit saan madatnan ang mga luha nyo. Pero kami? Saan nyo ba kami nakitang umiyak? Habang nag-lalaro ng dota? Ng basketball?

Hindi namin mailabas 'yung sakit na nararamdaman namin. Nakaka-inggit kayong mga babae.

Sana girls, marealize nyong napapagod rin kaming mga lalaki, nasasaktan din kaming mga lalaki. Sana girls, maintindihan nyo ang gusto kong iparating. Kasi napaka-unfair nyong mga babae. Iniisip nyo lang ang nararamdaman nyo, pero hindi nyo alam sa bawat papogi namin, sa bawat pag lalaro ng dota at basketball namin... Nasasaktan kaming mga lalaki.

Sana girls.. Marealize nyo.. Sana...

Lubos na gumagalang

Boys

(c) rara


follow on me on twitter and facebook
https://twitter.com/rarapott

https://www.facebook.com/Ichigo.Korosake

Dear ikaw,

Hello! Ako nga pala 'yung babaeng laging tumitingin sayo sa malayo, ako nga pala 'yung laging inaabangan ka sa labas ng school o kahit saang lugar na maaari mong puntahan.


Oo nga pala, minsan sinubukan kitang lapitan, umaasang mag kakadikit ang balat nating dalawa, maamoy ang pabango mo, makita ang makinis mong muka sa malapitan..

Pero hindi ko magawa, hindi ko masubukan dahil nahihiya ako.. Minsan din sinubukan kong mag papansin sayo, kapag alam kong malapit ka lalakasan ko ang boses ko o kaya naman kunwaring mabubunggo kita.. Pero na bigo ako, hindi mo ako pinansin. Sino ba naman ako para pansinin mo diba? Eh isa lang naman ako sa mga babaeng nag kakagusto sayo.

Siguro ang tingin mo sa'kin pang karaniwan na babae lang, pero hindi..

Hindi ako pang karaniwan, napaka-weirdo ko, kung minsan mas masahol pa ako sa baliw, napaka-out of this world ng pagkatao ko. Kung minsan ang gulo-gulo ko, minsan hindi kita gusto, minsan kasi nararamdaman kong mahal na kita pero minsan gusto lang talaga kita.

Ang gulo diba? Kahit ako naguguluhan sa sarili ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko hiniling na lagi mo akong mapansin, pero sana malaman mo na nandito lang ako, nandito ako sa malayo na laging naka-tingin sayo, nandito ako na handa kang mahalin kung sakaling hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo, nandito lang ako kung gusto mo ng makaka-usap... 

Nasa malayo lang ako, naka-tingin sayo.. Umaasang mapapansin mo..

(c) rara

Biglaan!

"Sa hindi inaasang panahon darating ang mga pangyayaring...biglaan."

hindi lahat ng bagay pupwedeng ibalik nalang agad agad, it takes time :)


Biglaan kang dumating sa buhay ko, hindi ko alam kung paano, saan at kailangan. Basta ang alam ko...biglaan.

Naging kaibigan kita ng biglaan... Hindi ko alam kung sino ang nag umpisa makipag-kaibigan at kung paano tayo naging mag kaibigan.

Tumagal ang panahon ng pag kakaibigan nating dalawa, hindi ko inaasahan na hahantong ito ng pang matagalan.

Isang araw, nagising na lang ako bigla na lang kitang mahal... Biglaan kong naramdaman, biglaan kong tinanggi sa sarili ko, biglaan kong pilit kinakalimutan ang nararamdaman ko.. Biglaan...

Bigla mong sinabi sa'kin na may mahal kang iba, biglaan akong nasaktan.. 

Mas lalong tumagal ang panahon, biglaan kang sinagot ng taong mahal mo.. Bigla kong naisip na hanggang mag kaibigan lang talaga tayo.. 

Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, bigla kong inamin sayo na mahal kita.. Hindi ko sinasadya, wala akong balak na sabihin sayo kaso...biglaan.

Mahal mo ako bilang kaibigan, 'yun na talaga ang inaasahan ko simula't-sapul hanggang dito na lang talaga tayo.

Kaso.. Bigla mo na lang ako hindi pinansin, biglaan mo na lang akong hindi kakausapin, lalapitan at kukulitin.

Biglaan kong naisip... Bakit? Biglaan kitang nakilala, biglaan kitang naging kaibigan, biglaan kitang minahal, biglaan akong umamin sayo, biglaan mo akong iniwasan..Biglaan. Biglaan mo akong iniwang nasasaktan. Biglaan mo akong kinalimutan. Biglaan...

Biglaan kong naalala ang kwento nyong dalawa. Nag-simula lahat sa biglaan at muling mag-sisimula sa biglaan.. Oo nga pala, biglaan ko rin naalala.. Biglaan kang nakipag-hiwalay sa'kin dahil sya talaga ang mahal mo at hindi ako.. Biglaan din pala. Biglaan din pala nag tapos ang kwento nating dalawa. Biglaan...(c)rara

Masakit na ba?

Tumatawa ka at ngumingiti. Dyan ka naman magaling sa pag kukunwari. 

Kahit nasasaktan ka na todo pakitang gilas ka pa rin na masaya.

Umaasa ka, pero may inaasahan ka ba? Nag-mamahal ka pero minamahal ka ba? Nasasaktan ka samantalang sya masaya sa iba. Alam mo ng nasasaktan ka pero patuloy ka pa rin. Bitawan mo na, sabihin nating iisa lang sya sa mundo at hindi ka na makaka-hanap ng tulad nya pero you don't even deserve to be hurt like this. Hindi madaling bitawan sya pero hindi masarap ang masaktan kung naka-sabit ka pa rin sa kanya. Nasa sa'yo kung ano ang gagawin mo, ikaw ang pumipili ng gusto mo, at siguro.. Choice mo ang saktan ang sarili mo.

Bitawan mo na, tumingin ka sa iba, lumingon ka sa paligid mo at mag hintay ka para sa isang taong mag-mamahal talaga sayo.

Masokista

"Okay lang na masaktan ako, basta mahal ko sya wala naman akong magagawa dito ako masaya."

'Yung mga taong alam na nilang nasasaktan sila pero go pa rin, push lang sila ng push dahil alam nilang doon sila sasaya...sa taong mahal nila.

Minsan ang gulo na ng mundo, hindi mo alam kung masokista na ba o tanga o sadyang nag-mamahal lang talaga?

Ang iba naman, kahit nasasaktan na patuloy pa rin silang nag-hihintay at umaasang balang araw babalikan o mamahalin din sila ng mga taong mahal nila kahit alam nilang napaka-labong mangyari 'yun. Minsan sa sobrang pagiging masokista dyan na papasok ang pagiging tanga. Nagiging tanga ka na dahil umaasa ka sa wala, nagiging tanga ka na dahil nag-mamahal ka ng taong alam mo naman na kahit kailan hindi ka mamahalin. Tanga at masokista ka, idagdag pa natin ang pagiging martyr mo. Napaka-full package na yata kapag nag-mahal ngayon, kahit gaano ka pa nirerespeto magiging mababa ang tingin sayo ng mga tao dahil sa ginagawa mo. Pero wala ka pa ring paki sa kanila. Dahil nag-mamahal ka.

Hindi natin masisisi ang mga ganyang tao, dyan sila masaya kahit masasaktan at nasasaktan na sila. Hindi natin sila masisisi dahil nag-mamahal sila. Kahit batukan at sapakin natin sila patuloy lang ang gagawin nila, dahil doon sila masaya at nag-mamahal sila... 

Pero hanggang kailan sila ganon?

Hanggang kailan ka magiging ganyan?



follow me on twitter and facebook: 
https://twitter.com/rarapott     

https://www.facebook.com/thim.rara

Pag-ibig

Pag-ibig: isang masidhing damdamin ng pagtingin o isang emosyon.




Sa pag-ibig lahat nandyan na, dyan ka matututo kung paano bumangon muli, gumising sa umaga na masaya, matulog sa gabi na umiiyak. Sa pag-ibig, dyan ka magiging matatag, magiging matigas in a way na wala ka ng kinikilalang tao para lang sa pag-mamahal, kakalimutan mo lahat-lahat para lang sa tinatawag nilang pag-ibig.

Sabi daw nila mapag-laro ang pag-ibig, pero kung tutuusin hindi ang pag-ibig ang mapag-laro... Kundi ang tao mismo. 

Masarap mag-mahal lalo na't mahal ka rin ng taong mahal mo, nakaka-baliw at ang sarap sa pakiramdam. Ngunit darating din ang panahon na unti-unti mo na mararamdaman ang salitang 'masakit', masakit in a way na ikaw na lang ang nag-mamahal. Niloko ka na, ginagago, pinaasa, ginawang tanga... Pero patuloy mo pa rin syang minamahal.

Pag-ibig 'yan eh, kahit gaano kasakit na ang nararamdaman mo nag-mamahal ka pa rin...

Ang pag-ibig ay isang emosyon na taglay ng bawat isa upang maramdaman ang saya at sakit sa buhay natin, huwag kang mag-taka kung nasasaktan ka, huwag kang mag-taka kung iniwan ka nya. Kapag pumasok ka sa isang relasyon o kapag minahal mo ang isang tao sa ayaw at sa gusto mo masasaktan at masasaktan ka rin nya, iiwan at iiwan ka rin nya.

Kapag minahal ka ng taong mahal mo sulitin mo, minsan lang 'yan hindi naman 'yan pang habang-buhay, kung masusulit mo ang pag-mamahal na binibigay nya sayo ng isang tao wala kang pag-sisisihan sa huli.. Kailangan mo itong pangalagaan huwag mong laruin o gaguhin.



follow me on twitter and facebook: 
https://twitter.com/rarapott     

https://www.facebook.com/thim.rara